Posibleng tumagal pa ng ilang buwan ang mga aftershocks sa Mindanao matapos ang pagtama ng magnitude 6.3 na lindol noong nakaraang Linggo.
Ito ay batay sa inilabas na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Pinangangambahan ding nasa halos magnitude 5 ang ilang mga aftershocks gaya ng naramadaman noong Linggo.
Dahil dito ay karamihan ng mga nasa Mindanao ay nakararamdam na ng sobrang takot at trauma.
Batay naman sa pinakahuling taya ng PHIVOLCS, mahigit 700 aftershocks na ang kanilang naitatala.