Timbog ang 12 fixer sa pinagsanib na pwersa ng Land Transportation Office Quezon City at QCPD.
Ayon kay LTO Law Enforcement Service acting Director Atty. Clarence Guinto, nagkasa sila ng operasyon matapos makatanggap ng mga reklamo sa social media.
Aniya ang ginagawa ng mga fixer ay nagpapakilalang mga tauhan ng LTO at nag-aalok ng mas mabilis na pagpo-proseso ng mga driver’s license.
Mahaharap ang mga fixer sa mga kasong paglabag sa Anti-red tape law, Usurpation of authority at Anti-fixing ordinance ng Quezon City.