Tila pahayag lamang ng isang tao ang sinasabing ‘malaking utang’ o hindi pagbabayad ng utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.
Ito, ayon kay PhilHealth President Ricardo Morales, ay taliwas sa mga pahayag ni Dr. Rustico Jimenez, pinuno ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na ang ilang miyembro aniya ay nakakausap naman nila.
Wala rin aniyang mga pribadong ospital ang nagpatanggal ng accreditation sa PhilHealth, base na rin sa record nila.
Nakakausap namin ‘yung mga sinasabi niyang mga kasapi niya, iba naman ang sinasabi nila, mayroon nga kaming mga payable pero hindi naman ganoon kalaki, tyaka we are working together para ma-update itong mga accounts na ‘to,” ani Morales. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas