Pormal nang ipinirisinta ang disenyo ng Manila City Hall of Justice na nagkakahalaga ng P2.8B.
Sa keynote speech ni acting Chief Justice Antonio Carpio, kanyang sinabi na matapos ang 8 ground breaking ceremony sa magkakaibang lugar ay matutuloy na ang konstruksyon ng Manila City Hall of Justice.
Itatayo aniya ito sa lumang gusali ng GSIS sa Arrocero Street.
Sa kasalukuyan, walang sariling Hall of Justice ang kabisera ng Pilipinas kung saan magkakahiwalay na matatagpuan sa Manila City Hall, lumang gusali ng Ombudsman at Masagana ang mga Hukuman sa lungsod.
Tiniyak naman ni Court Administrator Midas Marquez na magiging environment friendly ang itatayong Manila Hall of Justice at makakatalima ito sa National Heritage Law of 2009.
Magugunitang, 1982 pa nang simulan ang pagpaplano ng konstruksyon ng Manila Hall of Justice. — ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)