Nagsagawa ng necrological service ang Senado para sa yumaong si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.
Kabilang sa mga nagbigay ng huling respeto sa dating senador sina dating Pangulong Joseph Estrada, dating Vice President Noli de Castro, at mga dating Senador Rodolfo Pong Biazon, John Osmeña, Lorenzo Taniada, at Heherson Alvarez.
Naging emosyonal naman ang anak ng dating senador na si Senador Koko Pimentel na nagpasalamat sa pagkilala at pagbibigay pugay sa kaniyang ama.
Tuluyang naiyak ang batang Pimentel nang amining hirap na magpaalam nang tuluyan sa isang ispesyal na tao tulad ng kaniyang ama na sobra niyang minamahal at tinitingala.
Mula Heritage Park sa Taguig, ang mga labi ni Pimentel ay dinala sa Senado kung saan sinalubong ito ng mga dati at kasalukuyang senador.
Pagkatapos sa Senado, si Pimentel ay dadalhin sa Cagayan de Oro at muling ibabalik sa Metro Manila sa Biyernes kung kailan siya ike-cremate.