Isang taong pinasususpindi ni Ako Bicol Party List Representative Alfredo Garbin ang recruitment ng mga kadete sa Philippine Military Academy o PMA.
Ito, ayon kay Garbin ay para magkaroon ng pag overhaul sa sistema ng PMA sa gitna na rin ng halos 30 maltreatment cases na iniimbestigahan mismo ng pamunuan ng PMA sa kasalukuyan.
Sinabi ni Garbin na hindi matitiyak ng PMA sa mga magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak sa akademya dahil sa maltreatment cases na iniimbestigahan mismo ng PMA ay malinaw na patunay ng problema sa sistema nito.
Si Garbin ay isa sa mga may akda ng Anti Hazing Law at kabilang sa mahigpit na kumukundena sa mga insidente ng pangma maltrato sa PMA.