Ibinunyag ng Department of Agriculture (DA) na galing sa isang medium scale processor sa Central Luzon ang meat products na nag positibo sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Spokesman Noel Reyes nasabat mula sa hand carry bag ng isang pasahero sa port sa Calapan, Mindoro ang mga naturang meat products na kakaunti lang at posibleng pambaon o pangkain lang sa bahay.
Mismong ang nahuling pasahero aniya ang nagsabing nabili sa Central Luzon ang processed meat products tulad ng hotdog, longganisa at tocino at nagmula sa isang sender galing sa Sta. Mesa, Maynila.
Hindi naman tinukoy ni Reyes ang brand name ng mga nasabing produkto na nagmula nga sa ASF affected areas sa Luzon na naibenta at na-processed ng medium scale enterprises.