Pumapalo na sa 55 elepante ang nasawi dahil sa nararanasang tagtuyot sa Zimbabwe.
Ayon kay Tinashe Farawo, tagapagsalita ng Zimbabwe National Parks, kakulangan sa tubig at pagkain ang ikinamatay ng mga nasabing elepante sa loob lamang ng isang buwan sa hwange national park.
Overpopulated na aniya ang parke at dahil sa tagtuyot kayat nagkaka problema sa pagkain at tubig.
Batay sa huling tala ng International Union for Conservation of Nature, mula sa 415,000 ay bumaba na ang bilang ng mga elepante sa Africa sa 111,000.