Sinuspinde ng Comission on Elections (COMELEC) ang eleksyon para sa district representatives ng South Cotabato at Southern Leyte na una nang itinakda bukas, Oktubre 26.
Ito ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez ay kasunod na rin ng resolusyong inisyu ng Korte Suprema na nag uutos sa COMELEC na i-proklama si Shirlyn Barias-Nograles bilang kinatawan ng First Legislative District ng South Cotabato kabilang ang General Santos City.
Ipinag utos din ng High Tribunal ang pag convene ng Special Provincial Board of Canvassers para sa proklamasyon ng nanalong kandidato.
Itinakda ng COMELEC ang special elections matapos maipasa ang Republic Act 11243 o batas na nagre-reapportion o naghahati sa First Legislativce District ng South Cotabato para mabuo ang Lone Legislative District ng General Santos City.
Nais ding resolbahin ng COMELEC ang pag suspindi sa kongresista mula sa una at ikalawang distrito ng Southern Leyte at Cotabato dahil sa posibilidad na mai-apply sa kaparehong kaso ang desisyon ng Korte Suprema sa Barias Nograles Case.