Pinakilos ng Malakaniyang ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno para tumulong at gumawa ng hakbang na maiwasang kumalat pa ang African Swine Fever (ASF).
Kasunod na ito ng report ng Bureau of Animal Indsutry (BAI) na ilang processed meat products tulad ng tocino, hotdog at longganisa ay nag positibo sa ASF.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo ipinag-utos ng Pangulo ang pagtulong ng mga nasabing ahensya para makapagbigay ng alternatyibong trabaho at skills training sa mga naapektuhan ng nasabing virus sa mga baboy.
Maging ang publiko ay hinimok din aniya ng Pangulo na tumulong sa mga otoridad para maiwasang kumalat ang virus.
Maguguntiang ilang baboy na mula sa Rizal, Cavite, Pangasinan, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija at Quezon City ang pinatay matapos tamaan ng nasabing virus.