Sinopla ng Malakaniyang ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na bigo ang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo walang basehan ang komento ni Robredo sa nasabing usapin at nagpasama pa ito sa Pangulo at sa anti-drugs war ng administrasyon.
Dismayado aniya sila sa pag segunda pa ng bise presidente sa mga kasinungalingan at black propaganda ng oposisyon gayung bahagi ito ng gabinete kung kailan nailunsad ang drug war.
Sinabi ni Panelo na hindi nangangahulugang bigo ang drug war dahil sa presensya pa rin ng malalaking sindikato ng droga kundi pagpapakita lamang ito ng lawak ng problema sa illegal drugs na resulta ng kapabayaan ng mga nakalipas na administrasyon.
Pinayuhan ng Palasyo si Robredo na dumistansya sa mga kritikong nagpapakalat ng mga kasinungalingan na hindi naman kinakagat ng mayorya ng mga pilipino.