Posibleng tumaas ng dalawa hanggang siyam na porsyento ang presyo ng ilang mga produktong pagkain na karaniwang inihahain tuwing kapaskuhan.
Ito ay ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), kasunod ng pagtaas ng 30 hanggang 60% sa manufacturing costs ng mga kumpanya bunsod na rin ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa bansa.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, ilang mga traders din ang nag-aangkat pa ng mga kinakailangang karneng baboy para sa hamon de bola.
Samantala, mananatili naman ang presyo ng mga murang produkto dahil natatakot din aniya ang mga manufacturer na ipasa ang pagtaas ng presyo ng mga raw materials sa kanilang mga customers.