Pinaalalahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na iwasang isama sa pagkain ng mga alagang baboy ang mga tirang karneng baboy at processed meat.
Ito ay upang maiwasan ang pagkalat pa ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, makakabubuti huwag nang ipakain sa mga alagang baboy ang mga processed meat na hindi matiyak kung positibo sa ASF lalo na’t alam ng lahat kung paano ito naililipat.
Una nang nanawagan ang grupong Laban Konsyumer Incorporated at Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) sa pamahalaan na isapubliko ang lahat ng impormasyon sa mga usapin na makaapekto sa mga processed meat products.