Pinalagan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. General Noel Clement ang panukalang pagpapatigil sa recruitment ng mga kadete sa Philippine Military Academy (PMA).
Ayon kay Clement, malaki ang magiging impact nito sa pagkuha ng mga bagong sundalo ng AFP lalo pa’t karamihan sa mga junior officers nito ay mula sa PMA.
Aniya, kung ititigil ang recruitment ay siguradong maapektuhan ang kinaharap na deployment ng mga sundalo at maging ng mga papalit sa nga magreretiro at casualties.
Una nang ipinanukala ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na ipatigil muna ang recruitment sa PMA sa loob ng isang taon para bigyang daan ang pag-overhaul sa buong sistema ng akademya.