Suspindido ang number coding scheme sa Undas ngayong taon.
Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang pakikiisa sa taunang paggunita ng ‘All Souls’ Day’ at ‘All Saints’ Day’.
Ayon sa MMDA, inaasahan rin ang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Dahil dito walang number coding para sa mga provincial buses sa Huwebes October 31 at Lunes, November 4.
Habang ang number coding scheme para sa mga pribado at pampublikong sasakyan ay suspendido sa Biyernes, November 1.
Samantala, sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na hindi pwedeng mag day-off at mag-absent ang kanilang mga traffic enforcers sa October 31, November 1 at November 4.