Nanindigan ang Malakaniyang na dapat igalang at sundin ang desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang P267-M ill-gotten wealth case laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at asawa nitong si Imelda.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, lahat, anoman ang partido ay may karapatan sa tinatawag na “rule of law”.
Kasabay nito tiniyak ni Panelo na hindi makikialam ang ehekutibo sa mga usapin sa hudikatura bilang co-equal branch ng gobyerno.
Ang pahayag ng Palasyo matapos ang desisyon ng 4th division ng anti-graft court na ibasura ang P267.37-M civil case dahil sa umano’y kakulangan sa ebidensya.