Nagsisisi na at humihingi ng tawad ang Pinoy nurse na nasentensyahang makulong ng 4 na buwan sa Singapore matapos insultuhin ang Singaporeans sa kaniyang mga post.
Ipinabatid ito ni Atty. Mark Goh, abogado ni Ello Ed Mundshell Bello.
Sa katunayan, sinabi ni Goh na naghain ng guilty plea ang nasabing Pinoy sa kasong isinampa sa kaniya ng korte ng Singapore.
Tanggap na aniya ni Bello ang desisyon ng korte lalo’t nagdudulot na ito nang pagkabalisa at stress sa kaniya.
Ide-deport kaagad si Bello matapos ang apat na buwang pagkakakulong.
By Judith Larino | Allan Francisco