Aabot sa 1.2 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang mag-asawa sa bayan ng Carmen sa Cotabato.
Ayon sa Cotabato Police, ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng search warrant dahil sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na droga.
Sinasabing kapwa nasa drug watch list ang mag-asawa na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.