Nagkaroon ng pagkukulang ang Cebu City Police sa inilatag na seguridad para sa pinaslang na si Clarin Misamis Occidental Mayor David Navarro.
Ito ang iginiit ng pamilya ni Navarro matapos tambangan ang alkalde habang inihahatid sa Cebu City prosecutor’s office sakay ng police mobile noong nakaraang linggo.
Ayon kay Princess Navarro, kapatid ng pinaslang na alkalde, walang kahit isa man lang sa mga kasamang pulis ni Mayor Navarro ang gumanti ng putok sa mga gunmen.
Dagdag ni Princess, kanilang pinagdududahan ang pagkakaaresto sa kanyang kapatid nang walang warrant, ikinulong ng wala pang naihahaing kaso laban dito at tinambangan habang nasa kustodiya ng pulisya.
Si Princess at isa pang kapatid ay kasama sa convoy ng alkalde na maghahatid sana dito sa city prosecutors office nang tambangan ito noongOoctober 25.