Ganap nang nalagdaan ang IRR o Implementing Rules and Regulations para sa Bawal Bastos Law o Safe Spaces Act.
Sakop ng nasabing batas ang pagpapataw ng parusa sa catcalling, wolf whistling, sexist at homophobic slurs, unwanted sexual advances at iba pang uri ng sexual harassment sa public spaces, workplaces, schools at online.
Pinalalakas ng Republic Act 1131 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril ang mekanismo laban sa sexual harassment sa workplaces at sa education at training institutions.
Magiging epektibo ang IRR sa Bawal Bastos Law 15 araw matapos ang publication nito.