Nagsimula na ang clearing operation sa mga malalaking sementeryo sa lungsod ng Maynila.
Ito ay bilang paghahanda sa taunang paggunita sa Undas.
Kabilang sa mga hakbang na ginawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay ang pagpapaalis sa mga nakatira sa loob ng Manila North Cemetery.
Layon umano nito na paluwagin ang mga daan sa sementeryo.
Batay kasi sa datos ng Department of Public Services ng Maynila, nasa 3,000 pamilya ang naninirahan sa loob ng nasabing sementeryo.
Samantala, ipinagbawal din ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtitinda sa loob ng Manila North at Manila South Cemetery.
Ani Moreno, ito ay para bigyang respeto ang mga namayapa na at hindi para pagkakitaan ang mga ito.
Dapat aniya ay may kaayusan at “solemn” ang pag-ooserba ng mga Pilipino sa Undas.