Patuloy ang paalala ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko sa pagbiyahe ngayong Undas.
Kabilang sa mga paalala ng MIAA sa mga magbi-biyahe ang tiyaking sila mismo ang nag-impake ng kanilang bagahe at huwag tatanggap ng padala kung hindi nakita kung paano ito inimpake gayundin ay alamin ang mga puwede at hindi puwedeng dalhin sa flight para hindi maabala.
Sa mga b-biyahe pa-ibayong dagat, tiyaking higit sa anim na buwan ang validity ng pasaporte; at sa mga domestic flights naman, magdala ng alinman sa mga government issued IDs tulad ng driver’s license, postal ID at iba pa.
Bukod dito, tiyakin ang schedule ng flight, i-check ang kalagayan ng trapiko sa mga kalyeng daraanan patungong NAIA para makahanap ng alternatibong ruta patungong airport at sumunod sa mga patakaran ng hindi maabala.
Ayon sa MIAA, maaaring i-text ang NAIA hotline sa 09178396242 o 09188396242.