Isang religious scholar na matagal nang kaibigan ng napatay na Islamic State (ISIS) leader Abu Bakr Al-baghdadi ang lumulutang na posibleng susunod na lider ng ISIS sa Iraq at Syria.
Kilala sya sa Jihadi Circles bilang si Abdallah Qardash subalit kinikilala naman ng pamahalaan ng Amerika bilang si Amir Muhammad Sa’id Abdal-Rahman Al-Mawla.
Sinasabing nakasama itong nakulong ni Baghdadi sa Camp Bucca matapos atakihin ng Amerika ang Iraq noong 2003.
Karamihan di umano sa mga nakulong sa Camp Bucca kabilang na sina Baghdadi at Al-Mawla ang sumapi sa Al Qaeda sa Iraq bago nila binuo ang Islamic ISIS.
Ayon sa U.S. State Department, tumulong si Al-Mawla na depensahan ang pagdukot at pagmasaker sa mga Yazidi Religious Minority sa Northwest Iraq.