Tumanggi muna si Vice President Leni Robredo na direktang sumagot sa naging hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin siyang anti-drug czar.
Ayon kay Robredo, ayaw niyang sagutin ang naging pahayag ng pangulo dahil hindi niya alam kung gaano ito kaseryoso.
Dagdag ng pangalawang pangulo, hindi rin dapat idinadaan sa pagkapikon o pang-iinsulto ang pagharap sa mga problema sa bansa.
Posible kasi aniyang ang nasabi ng pangulo ay bunga lamang ng tinamaang “ego” nito.
Magugunitang sinabi ng pangulo na nakahanda siyang ibigay ang kanyang law enforcement power kay Rodredo para masolusyunan ang problema sa iligal na droga.
Kasunod naman ito ng lumabas na pahayag ng pangalawang pangulo na bigo ang war on drugs ng pamahalaan.