Hinahanapan na ng kapalit ni Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone ang manlalarong si Jayson Castro matapos makumpirmang nagtamo ito ng injury sa nakaraang laban ng TNT at NLEX sa PBA.
Ayon kay Cone, malabo nang makapaglaro si Castro para sa Gilas Pilipinas sa darating na SEA Games dahil kakailanganin nitong magpahinga ng apat hanggang anim na linggo.
Aniya, hindi na nila matitiyak kung sasapat pa ang nalalabing panahon para makapag-practice pa si Castro lalo’t magsisimula na ang basketball competition sa SEA Games sa December 4.
Aminado naman si Cone na magiging malaking kawalan sa Gilas Pilipinas ang veteran guard na si Castro.