Hindi pa rin tapos ang konstruksyon ng ilang mga pasilidad sa bansa na pagdadausan ng iba’t-ibang sport event na bahagi ng 30th Southeast Asian Games (SEA).
Isang buwan bago opisyal na magsimula ang prestihiyosong sports tournament, mayroon pa ring mga sport facilities ang hindi pa 100% tapos.
Base sa report, ang Ninoy Aquino Stadium kung saan gaganapin ang taekwando at weightlifting events ay nasa 80% tapos.
Patuloy pa rin ang ginagawang renovation sa Rizal Memorial Football Stadium at tennis facilities sa Maynila.
Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), ikinukunsidera nilang ilipat sa Manila Polo Club ang squash tournament dahil maaaring hindi matapos sa itinakdang oras ang inilaang pasilidad dito sa Rizal Memorial Sports Complex.
Gaganapin ang opening ceremony ng 30th SEA games sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bulacan.