Tutulong na rin ang Philippine National Police (PNP) sa mga probinsyang apektado ng magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao.
Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ipinag-utos ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa sa lahat ng Police Regional Office Director na rumesponde sa mga lugar na tinamaan ng lindol.
Inatasan din aniya ang mga pulis sa Mindanao na makipag ugnayan sa mga Local Government Unit at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kasabay nito, pnanawagan ng PNP sa mga residente na apektado ng lindol na manatiling kalmado.