Patuloy pa ring nakararanas ng pagyanig ang Tulunan, Cotabato, ilang oras lamang matapos itong yanigin ng magnitude 6.6 na lindol kahapon, Oktubre 29.
Dalawang mahinahon na lindol pa ang naramdaman sa naturang lugar, umaga ng Miyerkules, Oktubre 30.
Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang unang pagyanig dakong 5:22 a.m. at may lakas itong magnitude 5.
Naitala ang episentro nito sa layong 28-kilometro silangan ng bayan ng Tulunan.
Naramdaman ang Intensity V ng unang pagyanig sa Kidapawan City.
Samantala, isang magnitude 4.4 naman ang muling yumanig sa kaparehong lugar dakong 6:21 a.m. kung saan naramdaman muli ang Intensity V sa lalawigan ng Kidapawan.
Kapwa tectonic ang pinagmulan ng mga ito at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang dalawang naturang lindol.
Magugunitang kahapon lamang nang yanigin ng magnitude 6.6. na lindol ang kaparehong bayan (Tulunan, Cotabato) kung saan marami ang nasugatan at mayroon na ring kumpirmadong mga nasawi.