Nanganganib pa rin sa malakas na lindol ang Cotabato sa kabila ng magkasunod na malalakas na lindol na yumanig dito noong October 16 at 29.
Ayon kay Undersecretary Renato Solidum, officer-in-charge ng Phivolcs, apat ang fault lines sa Cotabato at isa lamang dito ang pinagmulan ng dalawang naunang lindol kaya’t maaaring gumalaw alinman sa tatlong iba pa.
Dahil dito, sinabi ni Solidum na dapat tiyakin ng pamahalaan na matitibay ang itatayong gusali lalo na yung mga dati nang nasira sa lindol.
Noong October 16, pito katao ang iniwang patay ng 6.3 magnitude ng lindol sa Cotabato at pitong iba pa sa 6.6 magnitude ng lindol nitong October 29.
Sinabi ni Solidum na ang October 29 na lindol ang main earthquake samantalang foreshock ang tawag sa October 16 na pagyanig.
Inaasahan ang serye ng aftershocks sa susunod na tatlo o apat na araw subalit maaaring magtuloy-tuloy hanggang Pasko.