Malapit nang maglunsad ng mga rocket at satellite ang North Korea matapos itong magbukas ng control center sa Pyongyang.
Sa ulat ng Cable News Network, sinasabing nasa final preparations na ang North Korea para sa naturang programa.
Gayunman, nilinaw ng mga opisyal ng National Aeronautical Development Association o NADA na layon nitong ikasa ang isang mapayapang space exploration.
Nagalit naman ang mga scientist ng North Korea sa mga naglalabasang espekulasyon na lihim itong nagpapatakbo ng isang ballistic missile development program.
By: Jelbert Perdez