Nakaambang magtaas ng singil sa kuryente ang Meralco sa Nobyembre.
Ito ang inanunsyo ng Meralco kung saan asahan sa November 7 ang paglabas ng pinal na galaw ng singil sa kuryente.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, head ng Public Information Office ng Meralco, mas mataas ang average price ng kuryente galing sa spot market kaya posibleng magkaroon ng bahagyang pagtaas ng singil sa susunod na buwan.
Lumiit aniya ang natirang refund na inutos ng Energy Regulatory Commission kumpara nuong nakaraang buwan dahil sa pagsasagawa ng mga maintenance shutdown sa Malampaya natural gas facility na nagresulta ng panipis ng reserbang kuryente sa loob ng 2 araw na sakop ng billing period.
Gayunman mas kumaunit naman ang konsumo ngayon ng mga customer dahil sa paglamig ng panahon.