Kinuwestyon ng Malakaniyang ang kredibilidad ng GPS navigation application na “waze” sa pagtuturo ng direksyon.
Ito ang naging reaksyon ng Malakaniyang matapos ituring ng waze ang Metro Manila bilang worst city to drive sa buong mundo.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bagama’t hindi maitatanggi na may problema sa trapiko sa Metro Manila, hindi pa rin malinaw kung ano o saang bansa ang naging basehan ng waze para sa pag-aaral sa isyu ng traffic.
Dagdag pa ni Panelo, nililigaw lang ng waze ang mga driver kaya’t lalo lamang matatagalan ang mga ito kung susundin.
Pagaaksaya lang aniya ng oras ang paggamit ng waze dahil mas magaling pa umano siya sa mga pasikot-sikot sa daan.