Muling nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGU) na panatilihin ang kaligtasan sa kanilang mga lugar.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, taon-taon nang ginugunita ang undas ngunit ginagamit ng mga kriminal ang panahon para makapagpanamantala.
Sa ibinabang Memorandum Circular 2019 – 174 ni Año, inaatasan nito ang mga local executive chiefs na siguraduhin ang kapayapaan sa mga nasasakupan.
Nagpaalala rin si Año sa mga tao na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo.
Sa ngayon ay nakadeploy na ang libo-libong tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para umalalay sa mga motorista.