Pumapalo na sa 14 ang nasawi, mahigit 400 ang nasugatan at 2 ang nawawala sa dalawang malakas na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao nitong nakalipas na araw ng Martes at kahapon.
Ayon sa NDRRMC ang mga casualties ay naitala sa Northern Mindanao, Davao del Sur, Soccsksargen at Bangsamoro autonomous region in Muslim Mindanao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jessie Riel Parba, Benita Saban at Romulo Naraga ng Davao del Sur. Nestor Narciso ng South Cotabato at sina Samuel Linao Andy, Renee Corpuz, Marichelle Morla, Patricio Lumayon, Pao Zailon Abdulah, Isidro Gomez, Cesar Bangot, Romel Galicia, Precilla Verona at Juve Gabriel Jauod ng Cotabato.
14 ang nasugatan sa Northern Mindanao, 16 sa Davao del Sur, mahigit 300 sa Soccsksargen at 1 sa BARMM.
Nakilala naman ang mga nawawala na sina Gilbert Suprales at Miggy Attic.
Halos 3,000 na ang nasirang imprastruktura dahil sa magnitude 6.6 na lindol nuong Martes at magnitude 6.5 na lindol kahapon.