Naglabas na ng arrest warrant ang South Korean Government laban sa isang national nito na nasa likod nang inilusot na halos 7,000 toneladang imported garbage sa Misamis Oriental simula nuong 2018.
Ipinabatid ito ni Mindanao container terminal collector John Simon matapos tanggapin kay Misamis Oriental Governor Bambi Emano ng 4,000 toner bags para paglagyan ng 5,000 toneladang basura na nananatili sa yarda ng Verde Soko Philippines sa bayan ng Tagoloan.
Sinabi ni Simon na nadagdagan ang arrest warrant laban kay Charles Cho dahil sa pagpupuslit nito ng illegal cargo mula South Korea at itinapon sa Pilipinas.
Bukod kay Cho pinaghahanap rin ng South Korean at Philippine Authorities ang 2 pang kasamahan nitong sangkot din sa pagpapalusot ng mga nasabing basura.