Pinag-aaralan pa rin ng PHIVOLCS kung iisang fault lamang ang gumagalaw sa sunod-sunod na paglindol sa Mindanao.
Ayon kay PHIVOLCS Science Research Specialist Erlinton Olavere, ito ang unang beses sa kanilang tala na nagkaroon ng malakas na lindol sa Cotabato.
Aniya, masisira at masisira talaga ang lahat ng mga gusaling nakatayo sa ibabaw ng fault.
Dahil dito, inirekomenda ni Olavere na ikonsulta muna ang mga gusaling may bitak-bitak na o naapektuhan ng mga pagyanig bago ito muling tirhan.
Pinakamabuti dito lahat ng gusali na may nakitang pinsala siguro kailangan ikonsulta muna sa mga engineer para siguraduhin na safe pa i-occupy o balikan pa ng mga tao sa nasabing lugar,” ani Olavere. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.