Tinatayang aabot na sa P1-billion ang halaga ng kabuuang pinsala ng magkakasunod na pagyanig sa Davao del Sur.
Ayon kay Christopher Tan, disaster officer, lalong dumami ang mga nasirang imprastraktura mula nang makaranas ito ng magnitude 6.5 na lindol sa Tulunan, Cotabato nakaraang Huwebes, Oktubre 31.
Ilang bayan na rin ang nag deklara ng state of calamity matapos makaranas ng krisis dahil sa sunod-sunod na pag-yanig tulad ng Magsaysay at Digos.
Ito’y matapos isara ang ilang pangunahing mall at grocery store sa lungsod, na siya sanang mapagkukunan ng suplay ng mga pagkain at tubig, matapos magkaroon ng mga crack sa gusali.