Nahaharap umano sa krisis ang ekonomiya ng Davao Del Sur matapos na pumalo na sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng nasira ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Sa Digos City, nananatiling sarado ang walong malls at grocery stores dahil sa mga bitak na tinamo ng kanilang mga gusali dahil sa magkakasunod na lindol.
Inilagay na sa ilalim ng state of calamity ang Digos City gayundin ang bayan ng Magsaysay subalit ayon sa mga local officials, posibleng hindi sumapat ang kanilang calamity fund para tulungan ang mga pamilyang nasiraan ng bahay.
Umapela naman ng tulong ang Digos City para sa mga tents, kumot at mga matres para sa mga evacuees.