Pinaaamyendahan ng Malakanyang sa Kongreso ang National Building Code.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, masyado nang outdated o nalipasan na ng panahon ang National Building Code.
Sinabi ni Andanar na dapat mas higpitan pa ang proseso ng pagkuha ng building permit upang matiyak ang integridad ng mga itatayong istraktura.