Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taumbayan na huwag iboboto si Vice President Leni Robredo kapag tumakbong pangulo ito sa halalan sa 2022.
Ginawa ng pangulo ang apela matapos alukin ng cabinet position si Robredo kapag tinanggap ang pagiging drug czar.
Matatandaang hinamon ng pangulo si Robredo na pangunahan ang kampanya laban sa illegal drugs matapos batikusin ang drug war ng gobyerno at sabihing bigo ito.
Binigyang diin ng pangulo na namumulitika lamang si Robredo at wala itong alam sa batas kaya’t hindi ito karapat dapat maging presidente.