Inaasahang muling magkakaroon ng tapyas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng Laban Konsyumer Incorporated, posibleng maglaro sa 30 sentimos kada litro ang rollback sa presyo ng diesel.
Posible namang nasa 15 sentimos ang maging bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang walang inaasahang paggalaw sa kerosene.
Samantala, una nang nagpatupad ng taas presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) at auto LPG ang mga kumpanya ng langis.
Sa anunsyo ng Petron, epektibo alas dose uno ng madaling araw kahapon ang dagdag na 30 sentimos kada kilo sa presyo ng kanilang LPG at 20 sentimos sa kada litro ng kanilang auto LPG.
Habang nagpatupad din ng 24 sentimos kada kilo na taas presyo sa kanilang LPG ang kumpanyang Solane. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)