Muling niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Davao Occidental ngayong Sabado, Nobyembre 2.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ang pagyanig bandang 1 p.m. sa layong 153 kilometro sa timog kanluran ng bayan ng Sarangani.
Wala namang inaasahang aftershocks sa pagyanig na sinasabing tectonic ang pinagmulan.
Naganap ang lindol dalawang araw matapos tamaan ng magnitude 6.5 ang bayan ng Tulunan sa Cotabato.