Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiisa ng Pilipinas para mapabilis ang pagbalangkas ng code of conduct sa South China Sea.
Sa kaniyang naging pahayag sa gitna ng ASEAN Summit sa Thailand, nanawagan ang Pangulo sa pagkakaroon ng self-restraint sa pagresolba sa agawan ng teritoryo.
Aniya, dapat manatiling nagkakaisa ang ASEAN nations at gamitin ang lahat ng impluwensya nito para mahikayat ang lahat na magpigil at umiwas sa anumang hakbang na magpapalala sa sitwasyon.
Paliwanag naman ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, iginiit ng Pangulo na dapat mabigyang solusyon ang problema salig sa umiiral na international law kabilang na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).