Isang Greek oil tanker ang nakaranas ng panghaharass sa kamay ng mga Tsino makaraang dumaan sa bahagi ng pinagtatalunang Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon kay Manolo Ebora, kapitan ng oil tanker na Green Aura, dakong ala siyete y medya ng gabi ng Setyembre 30 nang mapadaan sila sa bahagi ng Scarborough Shoal patungong Longkou China.
Palapit na sila sa Scarborough nang may tumawag sa kanila sa radyo at nagpakilalang miyembro ng Chinese navy sabay giit na kailangan nilang lumayo sa bahura.
Nang hindi sundin ni Ebora ang utos sa kaniya ng mga nagpakilalang Chinese Navy, tinangka umano ng mga ito na harangan ang kanilang daanan subalit hindi naman ito ginawa.
Sa huli ng kanilang pagtatalo, iginiit ni Ebora na ang Panatag o Scarborough Shoal ay magmamay-ari ng Pilipinas kaya’t bilang Pilipino aniya, walang sinumang dayuhang makapipigil sa kanilang dumaan doon.