Pansamantalang naantala ang flight ng isang commercial airline sa Davao International Airport ngayong Linggo ng umaga, Nobyembre 3.
Ito’y matapos magbiro ang isang pasahero patungkol sa pambobomba.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), patungo sana ng Cebu mula Davao ang nasabing eroplano nang magbiro ang lalaking kinilalang si Ramon Barrios tungkol sa bomba habang nasa loob ng mismong eroplano.
Nagpatuloy naman ang byahe ng eroplano patunong Cebu kaninang 9:47 a.m, ilang oras matapos ang insidente.
Inaresto na ng otoridad ang lalaki na lumabag sa Presidential Decree 1727 o ang Anti-Bomb Joke Law.
Sa ilalim ng batas, maaaring mahatulan ng 5 taon na pagkakakulong ang lalaki at pagmultahin ng hanggang P40,000.