Nagbabala ang operator ng South Luzon Expressway (SLEX) laban sa pagpapatupad ng refund ng toll fee sa SLEX.
Ayon kay Ramon Ang, Pangulo ng San Miguel Corporation (SMC) na operator ng SLEX, posibleng gumuho ang tiwala ng mga investors sa mga ganitong klase ng hakbang ng Toll Regulatory Board (TRB).
Sinabi ni Ang na posibleng mawalan ng tiwala ang investors ng kanilang P10-B skyway extension project na inaasahang maging pangmatagalang solusyon sana sa masikip na daloy ng trapiko.
Gayunman, tinawag na fallacy o maling pangangatwiran ni TRB Director Raymundo Junia ang babala ni Ang.
Tiwala si Junia na mas gusto ng mga responsableng negosyante na maibigay ang interes ng mga consumers.
Every responsible business man thinks of protecting the consumers interest if ang premise ng isang negosyo ay hindi nagko-consider ng benefits ng consumers, I don’t think it’s the kind of investors that the country wants. Yan ang sinasabi ko, sa paningin ko it’s a fallacy to claim that,” ani Junia. — sa panayam ng Ratsada Balita.