Nagpositibo sa African Swine Flu (ASF) ang longganisa at hotdog products ng Mekeni Foods Corporation.
Batay ito sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) na nasa ilalim ng Dept. of Health.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kusang loob namang tinanggal na ng Mekeni sa merkado ang kanilang mga produkto.
Sinabi ni Domingo na patuloy ang ginagawa nilang pag-iikot sa lahat ng meat processing companies sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sa 178 anyang nagpro-proseso ng karne, 68 na ang kanilang na inspeksyon at napatunayang sumusunod naman sa mga regulasyon.
Kasi ngayon ang hatian namin, ‘pag hilaw na karne sa kanila, ‘pag processed sa FDA, kaya lang kulang po talaga ang inspector ng FDA. So, we will be giving our NMIS counterparts to authority, to also look into processed meat products both storage and in the factory. We’ll also work with the Bureau of Customs and the DOH, bureau of quarantine, to check that the importations of meat products from ASF affected countries whether for commercial use or yung hand carry nila mababantayan din natin at mare-regular,” ani Domingo.