Ipinaliwanag ni Senador Bong Go kung bakit kinailangan niyang maunang bumalik sa bansa sa Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Bangkok, Thailand kung saan dumadalo ito sa ASEAN Summit.
Ayon kay Go, may obligasyon siya bilang senador at nagbalik na ang sesyon ng Kongreso kanina.
Subalit bago ang sesyon ay minabuti ni Go na bisitahin muna ang mga biktima ng lindol sa Makilala at Kidapawan sa North Cotabato kung saan siya nagdala ng relief assistance at financial aid.
Samantala, tiniyak ni Go na maganda ang naging lakad nila ni Pangulong Duterte sa Thailand. —- ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)