Binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ng pagtatapon ng basura ng mga mayayamang bansa sa mga umuunlad na bansa sa Asya sa harap ng iba ng leaders na dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.
Sa special lunch on sustainable development sa ASEAN summit sa Thailand, binigyang diin ng pangulo na dapat nang itigil ang pagpapadala ng mga basura sa developing asian countries na may markang ‘recyclables’.
Ibinida ng pangulo ang ginawa nya sa 2,000-tonelada ng basura ng Canada na ipinasauli nya sa naturang bansa.
Sinabi ng pangulo na isang magandang pagkakataon ang pulong upang iparating sa mga mayayamang bansa na maging maingat sa pagtrato sa mga papaunlad na mga bansa.