Aprubado na sa China ang isang gamot na inaasahang makagagamot sa Alzheimer’s disease.
Ayon sa Drug Safety Agency ng China, ang gamot na Oligomannate ay gawa sa seaweed.
‘Conditional’ umano ang pagbibigay nila ng ‘go signal’ na ibenta sa publiko ang Oligomannate kasabay ng iba pang clinical trials at maaring bawiin agad sa merkado sakaling may makitang panganib sa paggamit nito.
Ayon sa team na nasa likod ng Oligomannate, nagkaroon sila ng ideya na i-develop ang gamot matapos makita ang napakaliit na insidente ng Alzheimer’s sa mga taong regular na kumokonsumo nito.